Sa pangunguna ni G. Melbourne Salonga, SSG Adviser at ICT Coordinator ng Limay SHS, bukas na ang tanggapan ng Limay Senior High School Supreme Student Government (SSG) para sa nalalapit na halalan na bubuo sa bagong pamunuan ng panuruang 2021-2022.
Maaari nang magbuo ng partido ang mga homeroom officers mula September 29 hanggang October 1.
Para sa mga Homeroom Officers na interesado, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa tanggapan ng SSG. Narito rin ang mga kinakailangan para sa mga interesadong tumakbo:
•2x2 ID Picture (white/blue background) •Signature of candidate •Signature of parent/guardian
Pinapaalala rin na ang mga opisyal sa bawat Homeroom o mga officer mula sa iba't ibang strand (STEM, ABM, HUMSS, ICT, ABM, GAS, EPAS, atbp.) lamang ang makakalahok sa naturang eleksyon.
Narito ang iba pang schedule of activities ng gaganaping eleksyon.

Comments