Pinatunayan ng tatlong mga mag-aaral mula STEM 11 na hindi lamang pang-division at pangrehiyon na antas ang kayang abutin ng Limay Senior High School bagkus ay kaya din nitong makipagsabayan sa pambansang lebel ng kumpetisyon matapos nilang masungkit ang dalawang pilak at isang tansong medalya sa naganap na ASIAROPE Science Olympiad-Philippine National Round (Category 6) na isinagawa sa Zoom Meeting Platform at Quilgo, Hunyo 11.
Sa pamamagitan ng pag-anunsyo ng mga nanalo sa pamamagitan ng e-mail nitong Hunyo 22, naiuwi nina Moses Bindarwish Montalvo at Althea Myka C. Ambrocio ang pilak sa naturang tagisan ng utak sa siyensya, samantalang nakamit ni Lance Gelro T. Astrolavio ang tansong medalya.
Ang organisasyong namuno ng kompetisyon na ito ay ang Global League Of Winners (GLOW) Inc..
Sa kanilang pagsasanay, mahigit anim na oras lamang ang nilaan nila kada araw sa loob ng dalawang linggo upang suriing mabuti ang mga aralin sa agham, partikular na sa Astronomy, Chemistry, Physics, Biology at General Science.
Ayon kay Montalvo, hindi siya makapaniwala sa resultang lumabas na nanalo silang tatlo sa kadahilanang nakaramdam siya ng pangamba na baka hindi niya kayanin dahil aminadong siyang nahirapan sa mga leksyon na binigay sa kanila ng isa sa mga gurong tagapagsanay na si G. Verjel Macayan, LSHS Science Teacher.
“Hindi ko inakala na ako ay mananalo (sa kompetisyon na ito) dahil alam kong may mas magaling pa sa akin na sumali sa competition. Nagfocus ako sa pagre-review at nagtiwala sa aking sarili sa kung ano man ang magiging resulta,” tugon ni Ambrocio matapos mapagwagian ang pilak.
Samantala, si Astrolavio naman ay masaya ang nararamdaman dahil bukod sa ngayon ulit siya nilaban ay nanalo agad. Gaya ni Montalvo.
“Very happy kase ngayon lang ulit ako nilaban and nanalo agad kaya nakakatuwa, di ko kase expect na mananalo ako. Yung preparation na ginawa namen (ay) after class nirereview kami ng mga coach namen and binibigyan kami nila kami ng reviewer (sabay) binabasa namen sya pagkauwi at sinasagutan,” ani Astrolavio na hindi rin makapaniwala sa tagumpay na nakamtan.
Taos puso rin ang pagpapasalamat ng tatlong mag-aaral sa kanilang mga magulang at mga gurong tagapagsanay na sina G. Macayan, G. Cristina Rubiano at Gng. Marites Domingo na gumabay, nagturo at sumuporta sa kanila para manalo.
Commentaires