Upang maipamalas ang temang "Sambayanang Pilipino, Nagkakaisa tungo sa Katatagan at Maunlad na Kinabukasan" ngayong taon, ang Limay Senior High School ay nakiisa sa pagdiriwang ng National Resilience Month sa pamamagitan ng pagdalo sa static display ng mga kagamitan para sa emergency and disaster response ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan, The Bunker, Bataan Provincial Capitol, Lungsod ng Balanga, Hunyo 13.
Sa pamumuno ni Mr. Anthony Bliss, chairperson ng School Disaster Risk Reduction and Management Office (SDRRMO), nakasama sa naturang pagbisita ang mga miyembro ng bagong tayong School Emergency Response Team na sina Mr. Allan F. Aguilar, Mr. Ver-ann Santos, Mr. Gerry Dela Cruz, Mr. Jeffrey Gliban at dalawang incoming Grade 12 students.
Natutunan ng mga dumalong miyembro ng SDRRMO kung paano gamitin ang ilang mga kagamitang pangresponde.
Ang ilan sa mga dumalong ahensya ng gobyerno sa nasabing static display ay ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Red Cross-Bataan Chapter, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), REACT, Department of Science and Technology-Bataan (DOST), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at Department of Interior and Local Government (DILG) Bataan.
Bukas sa publiko noong Hulyo 11-14, ang static display ay isa lamang sa mga programa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo na nagtlalayong mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga Bataeño sa mga maaring dumating na sakuna, gayundin ay itinuturo rin nito sa mga mamayan ng Bataan kung papaano maging handa at alisto bago maganap at sa mismong oras ng sakuna.
Comments