top of page

THE HARBINGER

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION
LIMAY SENIOR HIGH SCHOOL
  • Facebook
  • YouTube

Limay SHS TVL students, ipinamalas ang husay sa Festival of Skills & Talents

Writer's picture: Johanne Reighn S. DavidJohanne Reighn S. David

Updated: Jul 20, 2022

Upang maipakita ang talino, kaalaman, at husay, ng mga mag-aaral mula sa kanilang pinag-aralan, idinaos ng Limay Senior High School ang programang "Festival of Skills and Talents" na isang pangwakas na aktibidad na inihandog ng mga guro ng Technical-Vocational-Livelihood para sa kanilang mga estudyante, ika-28 hanggang ika-29 ng Hulyo.



“Layunin ng activity na ito ay para maihanda ang mga studyante sa kanilang national assessment. Naging makabuluhan at very successful Ang kinalabasan ng culminating activity na ito at halos lahat ng specialization ay nagparticipate po,” saad ni Gng. Myra Cuevas, punong abala sa pagdaraos ng TVL Culminating Activity, ukol sa layunin at naging resulta ng programa.


Napapaloob sa unang araw ng naturang programa ay ang "Institutional Assessment," e-sports na Mobile Legends Bang Bang (MLBB), special numbers, at "Videoke for a Cause."


Ang tampok sa culminating program ay ang institutional assessment ay isang libreng programa ng paaralan upang maihanda ang mga magsisipagtapos na mag-aaral ng TVL sa pagsasailalim sa National Certification (NC) na ibibigay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Ang mga kalahok sa assessment na ito ay mula sa Home Economics- Cookery, Bread and Pastry Production, he-Dressmaking, HE-Wellness Massage, Electrical Installation and Maintenance (EIM), Electronic Products Assembly and Servicing (EPAS), at Computer Systems Servicing (CSS) ng ICT.

Sa nasabing programa ay sasailalim ang mga graduating TVL students sa isang simulation na animo ay nakasalang sila sa aktuwal na TESDA National Certification kung saan ang mga magsisilbing assessors ay ang mga guro ng Limay SHS na certified assessor mula sa nasabing ahensya o kaya ay nagtataglay ng Trainer’s Methodology (TM).





Sa pangalawang araw naman ay ang seremonya ng pagpaparangal sa mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng kanilang talino, husay, at galing sa Institutional Assessment at ang pag-anunsiyo ng resulta ng nanalo sa E-sports.


Narito ang mga kalahok na mag-aaral na nagtamo ng karangalang outstanding sa institutional assessment:


Wellness Massage

1. Westelynn Nunez

2. Jerome Caraig


HE-Cookery

Group 1

1. Blessie Faith Ulan

2. Clarissa Pagiwan

3. Renz Matias

4. Lance Fajardo


Group 2

1. Saralyn Ann Pablo

2. Hiezel delos Reyes

3. Joshua Vergel del Pilar

4. Christian Castro

5. Judie Bon


Group 3

1. Joy Cantal

2. Carol Paelma

3. John Curvie Calape

4. Daisy Vargas

5. Xaebrelle Jerim Mariano


EPAS

1. Francis Dave Cabali

2. Rainier Bernardo


SMAW

1. John Lenrick Estrella

2. Reinier B. dela Cruz


Dressmaking

1. Marie-Joe Flores


EIM

1. Marveen John Callo

2. John Kyle Tiangco


Samantala, sa ICT strand-sponsored na E-sports, pinataob ng Grade 11-ICT ang mga manlalaro mula sa GAS 11-Weber sa MLBB, 2-0, sa best-of-three na final round.


Narito ang mga bumubuo sa ICT 11 team na nagkampeon sa school-level MLBB tournament:

1. Carl John Cruz

2. Honeymarc Reyes

3. Abbygail Fatima

4. Naithan Paul Basilio

5. Herman Inogacio

50 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page