Ni Aviona Velonta
Hindi naputol ng pandemya ang ugnayan at pagtutulungan ng mga magulang at ng paaralan nang ginanap ang paghahalal ng mga bagong tagapamahala ng General Parent-Teacher Association (GPTA) ng Limay SHS na maglilingkod para sa taong pampanuruan 2020-2021 gamit ang Zoom conference noong ika-27 ng Nobyembre.
Dinaluhan ito ng mga magulang na nahalal na pangulo ng PTA sa bawat klase mula Grade 11 hanggang Grade 12 at ang mga gurong tagapayo ng kani-kanilang mga anak.
Ang naganap na eleksyon ay pinatnubayan Imelda S. Corpuz, OIC-Assistant Principal ng paaralan, at ni Rowena V. Cabrera, isa sa mga Master teachers ng Limay SHS, na siya namang namahala sa kabuuan ng eleksyon.
Isinagawa ang naturang eleksyon bilang pagtalima sa Division Memorandum 255, serye ng 2020.
Sa kanyang mensahe, naipinahayag ng punong guro na si G. Reynaldo B. Visda ang kinakailangang suporta at kooperasyon ng mga magulang at mga guro na mailuluklok sa pwesto ng GPTA.
"Nawa'y maging kabahagi kayo sa kabuuan ng mga opisyales at itutuloy ang magagandang programa nila at makaiisip pa ng mga activities na makatutulong sa kapakanan ng bata at para din sa mga magulang na maging aware sa mga gawain sa eskwelahan," wika ni Visda sa pamamagitan ng isang recorded video.
Dagdag pa niya sa dulong bahagi ng kanyang mensahe, "Umaasa ako na ang lahat, lalong higit sa mailuluklok sa pwesto ay maibigay ang buong suportado at tulong para sa paaralan. Lagi nyong tatandaan na ang ating ginagawa ay para sa bata, para sa bayan at para ikalulugod ng Maykapal".
Bilang pagpapatibay ng kanilang pagkakahalal sa kanilang katungkulan at maging opisyal ang deklarasyon, nagsagawa ng Oath Taking Ceremony para sa mga naluklok na opisyal na ginanap noong ika-3 ng Disyembre sa isang silid sa bagong gusali ng Limay SHS.
Nahati ang nasabing programa sa dalawang bahagi na kung saan ang unang parte ay inilaan para sa panunumpa ng mga bagong opisyales, samantalang sa pangalawang bahagi naman ay inilaan para sa talakyan at pagpaplano ng mga programang isasagawa para sa kasalukuyang taong panuruan.
Ang naturang kaganapan ay isinagawa alinsunod sa COVID-19 safety protocols ng pamahalaan at masusing binantayan ang pangsasagawa ng social distancing.
Narito ang mga bagong halal na pamunuan ng Limay SHS GPTA:
President: Jesse Cabulao
Vice-president: Celly Montalvo
Secretary: Andrea Marie Aldueza
Treasurer: Julieta Agustin
Auditor: Mary Anne Anislag
Bussiness Manager: Gina Villaviray
PIO: Lorry Cruz
BOARD OF DIRECTORS
Teachers:
1. Regina Magcalas a
2. Ariane Tuazon
3. Sharon Diego
PARENTS/GUARDIANS:
4. Zeny Sevilla
5. Deonaly Cantoria
6. Eugene Gueva
7. May Francisco
8. Cecille Ambrocio
Comments