top of page

THE HARBINGER

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION
LIMAY SENIOR HIGH SCHOOL
  • Facebook
  • YouTube

Guro ng LSHS, wagi sa Nat'l OER contest; Mag-aaral, Top 5 sa paligsahang Reg'l Essay

Jessie James E. Bayaca and Nina Victoria L. Beltran


Agad nagpakitang gilas ang mag-aaral at guro ng Limay Senior High School sa pagbubukas pa lamang ng kasalukuyang taong panuruan matapos magwagi sa kauna-unahang paligsahan na DepEd Best Open Educational Resources (OER) si G. Melbourne Salonga at sa isang pang-rehiyong patimpalak sa pagsulat ng sanaysay si Riane Carson Jay Borlagdan.


Matapos ang mga tagumpay ng mga mag-aaral ng Limay SHS sa mga kumpetisyong may kinalaman sa panulat sa mga nagdaang taon, patuloy na umuukit ng pangalan ang Limay SHS sa larangan ng pagsulat matapos masungkit ni Borlagdan, mag-aaral mula Grade 12 STEM, ang ika-limang puwesto sa ginanap na 2021 Regional Maritime Archipelagic Nation Awareness Month (MANA MO) Contests noong September 20 na may pangunahing tema na "Our Seas, Our Livelihood, Our Heritage: Connecting Lives and Nations".


"For the past years, I really don't consider myself joining in contests. I feel like mababa yung confidence ko and hindi ako bilib sa capacities ko," saad ni Borlagdan.


Bago ang regional level ng kumpetisyon, apat silang nagtunggali para malaman kung sino ang magiging kinatawan ng Bataan sa nasabing patimpalak.


"I realized after the contest na kaya ko pala, kaya ko pala sumali sa mga contests, wala lang talaga akong bilib sa sarili ko and I take this as a great opportunity to learn. Also, naging eye opener din to sakin na sumali sa mga future contest na iooffer ng school,” dagdag pa ni Borlagdan, na siyang bagong halal na pangulo ng Supreme Student Government (SSG) ng paaralan.


Ayon sa kanyang coach na si Ms. Cecille Delgado, hanggang Regional pa lamang ang patimpalak kaya wala pa sila masyadong ineexpect na laban sa national.


Halos dalawang linggo matapos ang pagkapanalo ni Borlagdan, isang guro naman na mula rin sa Limay SHS na si G. Salonga ang nagbigay ng karangalan sa paaralan dahil sa pagkapanalo sa patimpalak ng DepEd na 1st Best Open Educational Resources (OER) Contest na inanunsyo noong ika-2 ng Oktubre.


Ang kanyang likhang OER ay para sa asignaturang Media nd Information Literacy (MIL).


Ginanap ang patimpalak na ito upang matugunan ang pangangailangan sa pagkakaroon ng mga learning materials na magagamit online para sa blended learning modality at upang maisakatuparin ang pagbibigay ng equal access sa mga estudyante gamit ang ICT.


Dahil sa kaniyang pagkapanalo nakapag uwi siya ng Smart Phone, Laptop for the awardee, 10 Laptops para sa paaralan ( ang isa'y mapupunta sa head ng school) at Microsoft jacket bilang pa-premyo na inisponsoran ng: Smart, Microsoft, Huawei, Converge ICT, Cignal, Fortinet, HP, AMD, Vst-Ecs, Oracle, Intel, at Lenovo.


Kabilang din si G. Salonga sa mga pasok sa Top 25 entries kung saan siya ay nasa ika-21 bilang na nakapagtala ng 9.18 puntos.


Dahil dito, nakabilang din ang DepEd Sangay ng Bataan sa Top 10 Schools Division Offices dahil sa isa ito sa may pinakamaraming naipanalo sa OER entries.


Ang Sangay ng Bataan ay nakapagtala ng 29 na nanalong mga guro mula sa antas elementarya at sekundarya.


INIULAT NINA: Jessie James Bayaca at Niña Victoria Beltran

130 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page