top of page

THE HARBINGER

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION
LIMAY SENIOR HIGH SCHOOL
  • Facebook
  • YouTube

Comelec officer: Maging wais sa pagboto

Writer's picture: THE HARBINGER Limay SHSTHE HARBINGER Limay SHS

Limay SHS-SSG nagdaos ng F2F Voters’ educ’n webinar


Upang makapag-ambag sa pagpapalaganap ng matalinong pagboto ng mga Pilipino at ng mga kabataan ngayong Eleksyon 2022, pinangunahan ng Limay Senior High School Supreme Student Government (SSG) at ng tagapayo nitong si Bb. Ferdianne Bermudo ang pagdaraos ng face-to-face Voters' Educational Seminar na pinamagatang "Think Wise, Vote Wise” para sa mga Limayouths o mga kabataan ng naturang paaralan, LSHS Information Hub, ika-8 ng Abril.



.


Inimbitahan ng Limay SHS SSG si G. Melanio C. Sibayan, Election Officer ng Comelec-Mariveles, upang magbigay ng panayam ukol sa tamang pagpili ng susunod na mga lider ng pamahalaan.


"To be wise we must have wisdom, this is the main source of the problem (selection of government leaders) in the Philippines,” saad ni Sibayan na siyang payo niya sa mga kabataang boboto sa darating na ika-9 ng Mayo, gayundin sa iba pang hindi pa botante.


Kaugnay ng kanyang naturang pahayag, ipinaliwanag ni Sibayan na ang pinagmumulan ng problema sa demokrasyang mayroon tayo ngayon ay ang kakulangan ng pagiging wais sa pagpili ng tamang kandidato.


Dagdag pa ni Sibayan ukol sa pagiging wais sa pagboto, “"We don't vote because it won't make a difference, but if you live in the world of wisdom you'll be able to see what is right and what is wrong.”


Bilang isang demokratikong bansa, hinayag ni Sibayan na nakasalalay sa eleksyon at ang wais na paghahalal ng mga mamamayan ang pagtatagumpay ng nasabing uri ng pamahalaang umiiral sa Pilipinas. Kaugnay nito ay ipinunto ni rin ni Sibayan na ang kabaliktaran ng tamang pagpili ay matatawag na “sickness of democracy”.


"Democracy cannot succeed unless those who express their choice are prepared to choose wisely,” ani ni EO Sibayan.


Sa talakayang pinagunahan ni Sibayan ay idiniin niya ang mga dapat iwaksi kung magdedesisyon sa pagboto kung saan kabilang dito ang vote-buying, popularity voting, personality-based election, at ang pagbabase sa mga impormasyon mula sa social media na siyang pangunahing pinaghahanguan ng fake news.


Ang nararapat, ayon kay Sibayan, na maging batayan ng mga mamamayan sa pagpili ng kanilang magiging lider ay ang plataporma at ang karanasan ng kandidato sa pamamahala.


Tinalakay din ni G. Sibayan ang mga qualifications ng mga kandidato at pinaliwanag ng maayos ang mga paraan ng tamang pagboto. Gayundin ay ibinahagi niya rin hindi dapat gawin sa araw ng eleksyon at mga dapat iwasan habang bumoboto upang magkaroon ng magandang resulta ang eleksyon.


Dumalo rin at nagbigay ng kanyang pambungad na pananalita sa mga mag-aaral na dumalo ang punong-guro ng Limay SHS na si Gng. Jennifer S. Dominguez (School Principal II)



"Kaya tayo naririto to share, to inspire, to teach and sharing knowledge and expertise to exercise the rights of every individual. "while exercising our rights we have the responsibilities not only for ourselves and our family but atleast contribute a little change".



29 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page