Walang kupas na rikit,
Kagandahang buhat sa sakripisyo’t malasakit
Sinisintang simula’t sapul ay tinatangi ,
Sa buhay nati’y hindi maikakaila ang bahagi.
Walang araw o buwan ang isasantabi
Upang maipadama ang pag-ibig mula sa labi.
Ang mga rosas na siyang aking pinili,
Ihahandog sa’yo palagi.
Tingnan at pagmasdan
Ang hirap na ninais mong pamalagian
Ang pagod na nagsilbi mo nang kanlungan.
Mailipad lamang tayo sa daigdig na hirap ka mismong labanan.
Matapang kang pumagaspas sa mundong lalagasin ang iyong katauhan.
Marahil nakakapagod ang makipagsagupaan
Sa mundong tigib ng pighati’t kahirapan.
Ngunit kita kong sa tuwing ang mga tingin nati’y puno ng pagmamahalan,
Hindi mo nanaising isuko ang laban.
Kahit gaano ka pa ibaba ng mundong malupit pa sa kamatayan.
Mananatili ka, Sinta, na pinakamaganda sa puso ko't isipan.
Higit pa sa puso ng mga mag-irog na nag-iibigan.
Ang pag-ibig ng tanglaw ng bawat tahanan.

Comments