Nakabinbin sa ilalim, Nakatago sa dilim, Mahigpit na kapit, Tila 'di alintana ang talim.
Sa bawat pagdatal ng mga araw, Nakagapos ang mga salitang di maisigaw, Daloy ng dugo'y mabilis at umaapaw, Batid ang ligaya ngunit kaba'y sumasapaw
Unti-unting natatanaw ang liwanag ng araw, Bagong sigla na wari'y sinag sa balintataw, Mula sa ugat sa kaibuturan, Ngayo'y nagbunga na ang pinaghirapan,
Wari'y napaliligiran ng mga ulupong, Nabuhay upang sa ganito'y humantong. Pinaghirapan nang halos daang taon, Bukal saki'y handog sa lupon.
Kaligayahan ang mamahagi, Nagmula sa kakarampot na binhi, Na noong una'y nakahalukipkip, Nakaharap na sa mundo't sigla ay bitbit.

Larawan: Pinterest
Comments