top of page

THE HARBINGER

THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION
LIMAY SENIOR HIGH SCHOOL
  • Facebook
  • YouTube

Bago kontra Beterano: Bagitong Gilas pinalugmok ang Thailand, 93-61

Writer's picture: THE HARBINGER Limay SHSTHE HARBINGER Limay SHS

Updated: Dec 7, 2020

ni Mark Rainier Pador



Nagpamalas kaagad ng gilas at bagsik ang bagitong Gilas Pilipinas matapos nitong tambakan ang beteranong koponan ng Thailand, 93-61, upang mas mapalakas pa ang bentahe para sa top 1-2 finish sa Group A ng FIBA Asia Cup 2021 Qualifiers, kagabi, sa Khalifa Sports City, Manama, Bahrain.


Pinangunahan ni Ateneo rising star Dwight Ramos ang pambansang koponan na tumapos na may 20 puntos mula sa walang sablay na 7/7 field goals, bukod pa sa nakolektang 7 rebounds, 3 assists, at 3 steals upang dumikit sa kartada ng Timog Korea.


Nag-ambag rin sina CLRAA standout Justine Baltazar at UP Fighting Maroons ace Juan Gomez de Liano ng tig-12 puntos para sa Gilas.


Sinubukang makabalik ng mga Thai Nationals nang magkaroon ng magandang panimula sa unang apat na minuto ng huling yugto dahilan para maibaba ang kalamangan sa 24 puntos, 82-58.


Agad namang ginising ni Coach Jong Uichico ang kanyang mga bataan kung saan tumugon sa opensa sina Matt Nieto at big man Kenmarck Carino upang muling maitala ang commanding 32-point lead at selyuhan ang ikalawang sunod na panalo.


Bago ang naging kapaligiran para sa magkabilang koponan sa umpisa ng laro matapos magkaroon ng mabagal at dikit na laban.


Sa unang sigwada ng salpukan, sumandal ang Thailand sa pagpapaulan ni Nakorn Jaisanuk ng apat na tres upang subukang makasabay sa balansyadong atake ng batang koponan ng Pilipinas, 21-19, subalit unti unting inilayo ng Gilas ang laban sa pagsasara ng pangalawang quarter, 52-29, sa pamamagitan ng tatlong three-point shot na naipukol ni Juan Gomez de Liano.


Binuhat naman ni Montien Wongsamangtham ang Thailand National Team na nagtala ng 17 puntos kadikit sina Nakorn Jaisanuk na may 12 puntos at beteranong si Wattana Suttisin na kumana ng 10 puntos.


Isa sa mga naging balakid ng Thailand ay ang pagkawala ng kanilang main player na si Tyler Lamb sa 10-man roster ng koponan.


Matapos ang pagkatalo, bumaba sa 3-4 spot ang Thailand katabla ang Indonesia sa Group A na may parehas na 0-2 record.


Muling masasaksihan ang sagupaan ng dalawang koponan sa Lunes, ika-30 ng Nobyembre, ganap na alas-9 ng gabi oras sa Pilipinas.


14 views0 comments

Comments


bottom of page